Task force na mag-iimbestiga sa mga online challenge binuo ng DICT

0
46

Bumuo na ng task force ang DICT o Department of Information and Technology upang masusing imbestigahan ang mga kumakalat na delikadong online challenges.

Ito ay kaugnay ng mga kumakalat na isyu na may na-biktima na ang kumakalat na ‘Momo’ challenge.

Ayon kay DICT Sec. Eliseo Rio, hindi isinasantabi ng ahensiya na posibleng gawa-gawa lamang ang nasabing isyu.

Gayunman, sinabi naman ng kalihim na nakikipag-ugnayan na sila sa mga platforms na pwedeng gamitin ng Momo challenge.