Dagdag na SSS contribution epektibo na sa Martes

0
50

Epektibo na ang dagdag na kontribusyon para sa mga miyembro ng SSS o Social Security System, ngayong darating na Martes, Marso 5.

Ayon kay Luisa Sebastian, SSS Vice President for Public affairs, nakapaloob sa Republic Act No. 11199 o SSS Rationalization Act ang dagdag kontribusyon para sa mga miyembro ng SSS, kung saan madaragdagan ng isang porsyentong dagdag na kontribusyon ang mga miyembro nito.

Paliwanag ni Sebastian, layon ng batas na ito na palakasin ang pondo at kapangyarihan ng ahensiya.