8 Chinese nationals arestado sa Makati City

0
54

Naaresto ng mga otoridad ang walong Chinese nationals sa Makati City, dahil sa illegal online casino operation.

Sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng NCRPO at Bureau of Immigration o BI, sinalakay ng mga otoridad ang isang exclusive village sa Makati City.

Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, isa lamang sa walong mga naaresto ang mayroong working permit.

Dagdag pa nito, bigo rin ang mga suspect na makapag pakita ng kaukulang lisensya para mamahala ng online casino.

Sa ngayon, kasalukuyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa ang mga naarestong Chinese nationals.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at Immigration laws.