Task force kailangan nang buuin para aksyunan ang Kapa investment scam

0
57

Kinakailangan nang bumuo ng isang task force upang ma-aksyunan ang ma-anomalyang Kapa investment scam.

Ito, ayon kay Trade and Industry sec. Ramon Lopez, kung saan inihayag nito na ang task force ay bubuuin ng mga opisyal mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Aniya, lumalabas kasi na walang nakatutok na opisina ang pamahalaan na agarang hahawak sa naturang mga kaso.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ni Lopez na kinakailangan ding maging aktibo ng Securities and Exchange Commission (SEC) upang ipaalam sa publiko ang naturang investment scam.