Kaso ng maling paggamit ng OWWA funds matagal nang ibinasura – Duque

0
45

Pinaalalahanan ni Health sec. Francisco Duque III ang publiko na matagal nang na-dismiss ang kaso ng maling paggamit ng pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ito ang naging tugon ni Duque sa naging patutsada ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson kung saan sinabi nito na sangkot si Duque sa maanomalyang paggamit ng pondo ng OWWA para sa pagbili ng PhilHealth cards noong 2004.

Paliwanag ng kalihim, matagal nang ibinasura ng Office of the Ombudsman ang naturang isyu kung saan naglabas rin ng kaparehong desisyon ang Korte Suprema dahil wala itong nakitang sapat na ebidensiya upang patunayan ang mga alegasyon.

Kasabay nito, umapela rin naman si Duque kay Lacson na pag-aralan muna ng mabuti ang anumang alegasyon na ilalahad nito sa publiko.