Radio Philippines Network
Headlines National News

Taiwan magdo-donate ng 300,000 face masks sa Pilipinas

Magdodonate ng 300,000 face masks ang gobyerno ng Taiwan sa bansa.

Ito ay bilang bahagi ng pagtutulungan ng buong mundo na malabanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Taipei’s Economic and Cultural Office sa Maynila, ang shipment ng 300,000 face masks ay nakatakdang dumating sa bansa sa pamamagitan ng Eva Air Flight ngayon araw ng Huwebes,ika-15 ng Abril.

Samantala, bukod sa Pilipinas, makatatanggap din ng 100,000 hanggang 300,000 face masks ang mga bansang Indonesia, Malaysia, Singapore, Vietnam at India.

Related posts

Duterte nais ding isailalim muli sa lockdown ang bansa, pero pondo ubos na

Powered by DWIZ

Saline gargle wala pang matibay na ebidensya na kayang puksain ang nCoV — Domingo

Powered by DWIZ

Oil price rollback ipinatupad na rin ng iba pang kumpanya ng langis

Powered by DWIZ