Saturday, May 4, 2024

Tagaytay LGU magsisilbing modelo sa muling pagbuhay ng turismo

- Advertisement -

Pinapurihan ng Joint Task Force COVID-19 Shield ang pamahalaang lungsod ng Tagaytay sa pagiging masinop nito sa pagbubukas muli ng kanilang lungsod para sa mga turista.

Ito’y ayon kay Task Force Commander P/Ltg. Guillermo Eleazar kasunod ng kanilang naging pagpupulong ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino kahapon.

Sa naging panayam ng DWIZ kay Eleazar, muling nilinaw nito na hahanapan pa rin nila ng travel pass ang lahat ng mga magtutungo sa Tagaytay.

Partikular na aniya kungmula sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) tulad ng Metro Manila, Bulacan at Batangas.

Kaya lang gusto nating iklaro, para sa turismo, bago ka mag-declare na open na ikaw ay nasa MGCQ at the same time ang pwede lang pumunta sa inyo ay yung mga naninirahan na galing doon sa lugar na nasa MGCQ din or walang quarantine status na pinaiiral,” ani Eleazar.

Gayunman, sinabi ni Eleazar na hindi nila hahanapan ng travel authority kung ang tutungo sa lungsod kung ang pakay nila roon ay may kinalaman sa trabaho.

Kung ang kanilang purpose ay turismo pero kung sila naman ay mga APOR or mga Authorized Persons Outside Residence na ang kanilang travel papunta dun ay work related, sila ay naka-duty papunta dun hindi na nila kailangan ang travel authority, maliwanag yun at dapat malaman ng lahat,” ani Eleazar. — panayam mula sa Balitang 882.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img