Tagaytay City dinagsa kahapon araw ng mga puso

Tagaytay City dinagsa kahapon araw ng mga puso

by Powered by DWIZ
60 views

Dinagsa ng ilang mga magkasintahan, mag-asawa at pami-pamilya ang Tagaytay City kahapon araw ng mga puso at ilang linggo matapos ang pagsabog ng Bulkang Taal.

Ito ay matapos namang ibaba na ng PHIVOLCS sa level 2 ang alerto sa nabanggit na bulkan.

Batay sa ulat, ilang mga pamilya, mag-asawa at magsing-irog ang nagtungo ng People’s Park sa Tagaytay.

Napuno rin ng mga tao ang bahagi ng Picnic Groove at Sky Eye, ang pinakamataas na ferris wheel na matatagpuan naman sa Sky Ranch.

Sa kasalukuyan, nalinis na mula sa mga ibinugang abo ng Bulkang Taal ang mga kalsada at establisyimento sa Tagaytay City.

0 comment

Related Posts