Byahe sa Taiwan balik na sa Pebrero 21

Byahe sa Taiwan balik na sa Pebrero 21

by Powered by DWIZ
39 views

Balik na simula Pebrero 21 ang biyahe ng eroplano ng Philippine Airlines (PAL) patungo at pabalik ng Taiwan.

Ito ay matapos na alisin na ng pamahalaan ng ipinatupad na travel ban sa Taiwan sa gitna ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa ipinalabas na abiso ng PAL, mag-ooperate na patungo at mula Taipei Taoyuan International Aiport ang flight PR 890 at 891 simula Pebrero 21, Biyernes.

Tuloy-tuloy anila ang mga biyahe nito tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes at Linggo hanggang Pebrero 29.

Habang sa Marso 1, sisimulan naman ang araw-araw na flight patungo at pabalik ng Taiwan at epektibo naman simula Marso 29 ang dalawang beses kada araw na flights.

0 comment

Related Posts