Kampanya ng Pilipinas kontra iligal na droga hindi dapat tularan ayon sa United Nations

0
52

Muling kinondena ng U.N o United Nations ang kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.

Ayon kay U.N High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet, hindi dapat tularan ng ibang bansa ang kampyang ito ng Pilipinas.

Aniya, malinaw na hindi epektibo ang hakbang na ito ng pamahalaan dahil sa kabila ng pinaigting na kampanya ay hindi pa rin nasusugpo ang iligal na droga sa bansa.

Kaugnay nito, inihayag rin ni Bachelet ang kaniyang pagka-alarma hinggil sa mga report na mayroong mahigit 20,000 katao na ang nasawi sa ilalim ng nasabing drug war.