SWS Survey net satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa 2nd quarter

0
60

Nakapagtala ng panibagong record high net satisfaction rating si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos makakuha ang Pangulo ng plus 68 net satisfaction rating sa survey ng SWS o Social Weather Station sa ikalawang bahagi ng taon.

Nahigitan nito ang plus 66 o very good rating na nakuha ng pangulo noong Marso ng kasalukuyang taon at Hunyo ng 2017.

Batay sa SWS, 80 porsyento ng mga respondents ang nagsabing kontento o masaya sila sa pagganap ni Pangulong Duterte sa kanyang mga tungkulin habang 12 porsyento naman ang hindi nasisiyahan.

Isinagawa ang survey sa 1,200 mga respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula Hunyo 22 hanggang 26.