Sunday, May 5, 2024

P3.4 M na halaga ng shabu nasabat ng Militar sa Cotabato

- Advertisement -

Nasabat ng militar ang aabot sa tatlo punto apat na milyong pisong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operations sa Pigcawayan Cotabato.

Ayon kay Western Mindanao Command o Wesmincom Spokesman Major Arvin Encinas, target ng inilunsad na buy bust operation ang mga drug suspects na sina Nards Udto Adtis at isang kinilala lamang sa pangalang Kamid.

Gayunman, sinabi ni Encinas, tanging si Adtis lamang ang nadakip habang nakatakas naman si alyas Kamid.

Maliban sa iligal na droga, nakumpiska rin ng militar ang ilang bundle ng pera na nagkakahalaga ng pitong daan at limampung libong piso.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img