Pulis na nag viral sa San Juan City isasailalim sa Values Formation Training

0
42

Isasailalim sa values formation training ang pulis – San Juan na nakuhanan ng Video na nanigaw at nagmura sa isang call center agent sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay National Capital Region Police Office Director Major General Guillermo Eleazar, isasama ang inireklamong pulis na si Senior Master Sergeant Arnulfo Ardales sa ikalawang batch ng mga sasailalim sa Seminar o Refresher.

Alinsunod na rin aniya ito sa naging kautusan ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde bilang bahagi ng kanilang hakbang para malinis ang hanay ng pulisya.

Magugunitang, nag viral ang kuha ng video kay Ardales Kung saan makikitang sinigawan, minura at pinagbataan nito ang biktimang si Aaron Estrada matapos umanong unahan sa pagbili sa isang sari-sari store sa San Juan City.