Friday, May 17, 2024

SWS Survey mga Pilipino na walang tiwala sa China dumami

- Advertisement -

Nakakuha ng negative 24 o poor  net trust rating ang china mula sa mga filipino sa ikalawang bahagi ng 2019.

Batay ito sa pinakahuling Survey ng SWS o Social Weather Station kung saan Mayorya ng mga Filipino o katumbas ng 51 porsyento ang may maliit lamang na tiwala sa China.

27 porsyento naman ang may malaking tiwala sa China habang 21 porsyento ang undecided.

Ayon sa SWS, mas bumaba pa ng 18 puntos ang tiwala ng mga Filipino sa China kumpara sa nakuha nitong Neutral Negative 6 noong nakaraang marso.

Malaking bilang din ng mga Filipino o katumbas ng 43 porsyento ang naniniwalang hindi nakakabuti sa mga filipino ang nais mangyari ng China sa Pilipinas.

Samantala sa kaparehong Survey din lumabas na pinaka-pinagkakatiwalaan ng mga Filipino ang Estados Unidos na nakakuha ng positive 73.

Katumbas anila ito ng 81 porsyento ng mga Filipino na may napakalaking tiwala sa US, 8 porsyento ng may napakaliit na tiwala at 11 porsyentong undecided.

Isinagawa ang Survey mula Hunyo 22 hanggang 26 sa 1200 daang Adult Respondents sa buong Bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -