SWS: 4 lamang sa 10 Pinoy naniniwalang bumuti ang kanilang pamumuhay

0
27

Apat (4) lamang sa kada 10 Pilipino ang naniniwalang bumuti ang uri ng kanilang pamumuhay noong nakaraang taong, 2019.

Batay ito sa pinakahuling survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Disyembre 13 hanggang 16 ng taong 2019.

Sa nabanggit na survey, 39% ng mga Pilipino ang nagsabing bumuti ang estado ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan, habang 21% naman ang naniniwalang mas lumala pa ang uri ng kanilang pamumuhay.

Kaugnay nito, tumaas naman ang porsyento ng mga Pilipinong kumpiyansa na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na 12 buwan.

Ito ay matapos na sumampa sa 47% ng mga Pilipino ang “economic optimists,” habang 9% naman nagsabi na babagsak ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na 12 buwan.