Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nais nang makauwi sa bansa ng halos 300 Pilipino na nasa China.
Ito’y ayon sa DFA sa gitna nang patuloy na pagkalat ng 2019 novel coronavirus (nCoV)sa china.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng DFA na handa silang irepatriate ang mga Pilipino nasa Wuhan City at sa iba pang bahagi ng Hubei Province.
Samantala, sinabi naman ni Philippine Ambassador to the Philippines Chito Sta. Romana na nakikipag-ugnayan na sila sa Chinese government para makapagpadala ng chartered flights para sa mga Pilipinong nais na umuwi ng bansa.
We will be having talks with the Chinese government to ask for permission na makapagpadala ng chartered flight plane doon para sunduin ang mga Pilipino na nais umuwi, marami rin ang nais manatili do’n,” ani Sta. Romana. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas