Pagbuo ng bagong ahensya vs. infectious disease iminungkahi ni Salceda

0
14

Itinutulak ni Albay Second District Representative Joey Salceda ang panukalang batas para sa pagbuo ng bagong ahensiya na tututok sa pagsugpo ng mga nakahahawang sakit.

Ayon kay Salceda, dapat na magkaroon ng panibagong ahensiya ang pamahalaan na tututok sa pagsugpo sa mga nakahahawang sakit.

Sa ilalim ng house bill number 6096, layon nitong bumuo ng ahensiya na mangangasiwa sa mga magiging biktima ng mga infectious disease at kung paano mapipigilan ng pamahalaan ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit.

Ayon kay Salceda, dapat na magkaroon ang pamahalaan ng hiwalay na ahensiya upang mas matutukan ang mga kumakalat na sakit.

Sinabi ni Salceda na sa pagtatatag ng Center for Disease Control and Prevention (CDCP), ito na ang magpapatupad ng mga polisiya, surveillance, disease control, prevention at response.

Gayunman, ipapasailalim pa rin naman aniya ito sa Department of Health (DOH) kung saan, ang CDCP naman ang mamamahala sa Epidemiology Bureau at Research Institute for Tropical Medicine (RITM).