Susunod na PNP Chief nasa kamay na ni PRRD

0
13

Nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang susunod na itatalagang Philippine National Police (PNP) Chief.

Ito ang binigyang diin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar, kaugnay ng mga usap-usapan na posibleng tanggalin sa puwesto si PNP Chief Oscar Albayalde matapos nitong madawit sa isyu ng ninja cops.

Dagdag pa ni Eleazar, lahat naman ay may karapatan na tumaas ang posisyon, at lahat naman ng pulis ay nangangarap na maging PNP Chief.