Binatikos ni dating PNP-CIDG Chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang aniya’y “selective cleansing” sa hanay ng pulisya.
Kaugnay ito ng ma-anomalyang drug operation noong taong 2013 na ikinasa ng mga tauhan ni Albayalde na noo’y Provincial Director ng Pampanga.
Sa naturang drug operation, nagkaroon ng “mishandling of evidence” dahil sa 200 kilo ng shabung narekober ng mga otoridad, nasa mahigit 30 kilo lamang ang ideklara ng mga tauhan ni Albayalde.
Sa pagdinig ng Senado kahapon, inisa-isa ang mga iregularidad sa naturang drug operation na pinamunuan ni Police Supt. Benjie Magalong.
Kabilang sa mga iregularidad na ito ay ang hindi pagtutugma ng testimonya ng mga testigo kung saan nakasaad na 10 a.m. ng umaga nangyari ang drug operation gayong 4:30 p.m. ng hapon naganap ang naturang drug operation.
Paliwanag ni Magalong dahil sa bigat ng pagakakamaling nagawa ng mga nasabing pulis ay dapat nasibak ang mga ito sa puwesto ngunit sa halip ay na-demote lamang ang mga ito.
Giit ni Magalong, dapat na maging mahigpit ang PNP sa pagpapatupad ng batas at panagutin ang mga tiwaling pulis.