Umaasa si Philippine National Police Chief Gen. Oscar Albayalde na hindi masisira ang tiwala sa kaniya ni Pang. Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa isyu ng mga ninja cops o ang mga pulis na nag-rerecycle ng illegal drugs.
Ayon kay Albayalde, batid niya kung gaano ka-seryoso si Pang. Rodrigo Duterte na labanan ang transaksyon ng iligal na droga sa bansa.
Matatandaang, idinawit ni dating CIDG Chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong si Albayalde sa isyu ng ninja cops sa pagdinig ng Senado kahapon.
Gayunman, mariin namang pinabulaanan ni Albayalde ang mga alegasyon ni Magalong.