Tuesday, May 7, 2024

Suspensyon sa online transaction fees dapat palawigin hanggang matapos ang pandemya —Marcos

- Advertisement -

Dapat na palawigin pa hanggang sa susunod na taon ang suspensyon sa mga online transaction fee ng mga bangko at financial technology hanggang sa mawala ang pandemyang COVID-19 sa bansa ayon kay Senator Imee Marcos na siya ring Chairman ng Senate Committee on Economic Affairs.

Paliwanag ng senadora, isinusulong na nga nila ang 60-day debt moratorium upang makaiwas sa bayarin ang publiko ngunit ngayon naman ay magpapataw muli ng transcation fee ang ilang mga bangko at financial technology gaya ng Gcash at Paymaya.

Aniya, kayang-kaya naman ng mga bangko at financial technology companies na pansamantalang ikansela ang pagpapatupad ng mga dagdag na singil mas lalo pa aniyang tatangkilikin ang digital payment systems gayong hindi nakakalabas ang publiko bunsod ng pandemya.

Samantala, matatandaang umaapela rin si Senator Sonny Angara sa mga bangko at mobile payment system na i-suspende ang pangongolekta ng fee sa digital transaction habang mayroon pang pandemya —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img