31.6 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Pagkuha ng National I.D boluntaryo —PSA

- Advertisement -

Hindi sapilitan ang pagkuha ng National I.D paglilinaw ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Gayunman, hinihimok parin ng ahensya ang publiko na magkaroon nito.

Ayon kay PSA Assistant Secretary Rosalinta Bautista, ang lahat ng Pilipino maging ang mga nasa ibang bansa ay maaaring kumuha ng National I.D ng hindi sapilitan.

Pero ipinapaalala naman ni Bautista sa publiko na darating din ang panahon na ang lahat ng transaksyon ng gobyerno ay gagamitan na ng National I.D kung kaya’t mas mainam pa rin aniya na kumuha nito.

Aniya, prayoridad naman sa pamimigay ng National I.D ang mga pamilyang may maliliit na kita upang magkaroon ang mga ito ng access sa bangko na kinakailangan ng government ID’s at dokumento upang makakuha nito.

Samantala, target naman ng pamahalaan na mai-enroll ang nasa 105M Pilipino sa National I.D pagsapit ng taong 2022.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -