Suspek sa ‘Laguna Grade 7 slay case’ kinasuhan na

0
44

Kinasuhan na ang suspek sa pamamaril sa isang grade 7 student sa loob mismo ng silid aralan nito sa Laguna.

Ayon kay Laguna Police Provincial Director Police Col. Eleazar Matta, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulaton Act si Renando Valderama sa Calamba Prosecutor’s Office.

Inaayos naman ang ebidensiya para naman sa paghahain ng kasong murder laban kay Valderama.

Matatandaang binaril ng suspek ang estudyanteng biktima dahil sa matinding selos.