Mga mambabatas na humirit na mag endorso si Pangulong Duterte ng House speaker binatikos ni Gordon

0
44

Binatikos ni Senator Richard Gordon ang mga mambabatas na humirit kay Pangulong Rodrigo Duterte para mag endorso ng magiging House speaker.

Matatandaang inendorso ng pangulo si Taguig Congressman Alan Peter Cayetano habang papalitan naman ito ni Congressman Lourd Alan Velasco.

Ayon kay Gordon, dahil dito ay kompromiso ang pagiging independent ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Responsibilidad anya ng mga kongresista na iboto ang sa palagay nila ay pinakamainam na magiging lider ng Mababang Kapulungan.

Una ang sinabi ng pangulo na magseserbisyo si Cayetano bilang House speaker sa unang 15 buwan habang si Velasco naman sa natitirang 21 buwan.