Dahilan sa nangyaring food poisoning sa Pasig tukoy na

0
52

Tukoy na ng DOH o Department of Health ang dahilan ng pagkalason ng mga mahigit 300 indibidwal na dumalo sa kaarawan ni dating unang ginang Imelda Marcos.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nag positibo ang mga biktima sa staphylococcus aurues bacteria o bacteria na madalas na nakikita sa balat ng tao.

Posible aniyang na kontamina ang mga pagkain noong inihahanda ito.

Inaasahan naman na ilalabas ng Food and Drug Administration ang resulta ng ginawang pag susuri sa nilagang itlog, adobo at kanin na kinunsumo sa naturang event.