Friday, May 3, 2024

Suspek sa hit-and-run sa Maynila sumuko na

- Advertisement -

Sumuko na ang drayber na suspek sa hit-and-run na ikinasawi ng isang nurse na si Renz Jayson Perez sa lungsod ng Maynila.

Ito’y makaraang boluntaryong sumuko si Mohamad Ali Sulaiman sa tanggapan ni Manila Mayor Isko Moreno kasama kanyang kapatid, may-ari ng itim na  pick-up truck na si Atty. William Delos Santos, at si Basher Alonto na chairman ng Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace.

Sa facebook live ni Moreno, humingi ng paumanhin at dispensa si Sulaiman sa pamilya ng 23 taong gulang na biktima ng naturang insidente.

Paliwanag ng drayber na si Sulaiman, napangunahan siya ng takot, kaya’t ‘di niya agad nagawang sumuko sa mga awtoridad.

Pero giit ni Sulaiman, aksidente ang nangyari at nakahanda siyang humarap sa anumang kasong isasampa sa kanya.

Magugunitang nagbibisikleta ang nurse na si Perez sa bahagi ng Padre Burgos at Maria Orosa Street sa Maynila nang mabangga ito ng itim na pick-up truck na minamaneho naman ni Sulaiman.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img