Lying-in clinic sa Mandaluyong bubuksan na para sa COVID-19 patients

0
14

Bubuksan na para sa coronavirus disease (COVID-19) patients ang isang lying-in clinic o paanakan Sa Mandaluyong City.

Ito ay matapos na umakyat sa 14 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod.

Ayon kay Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, napuno na ang Mandaluyong Medical Center ng mga naka confine na COVID-19 patients kung kayat kinonvert na nila ang Mandaluyong Medical Center Annex na nagsisilbing paanakan.

Aniya, ang mga buntis naman ay dinala sa isang pang gusali ng ospital.

Samantala, nasa 400 katao naman sa mandaluyong ang itinuturing na persons under investigation (PUI).