Sub-commander ng Abu Sayyaf patay sa bakbakan sa Sulu

0
16

Patay ang sub–commander ng Abu Sayyaf group habang sugatan ang 2 sundalo sa nangyaring bakbakan sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Philippine Army 11th Infantry Division Commander Major General Corleto Vinluan, nakasagupa ng pwersa ng gobyerno ang tinatayang nasa 20 hanggang 30 bandido sa Barangay Sanda.

Hindi nakita ang katawan ng opisyal ng ASG sa lugar ng pinangyarihan ngunit sigurado ang militar na bukod sa namatay na lider ay marami pa sa mga bandido ang nasugatan sa engkwentro.