Duterte hindi na kaylangan maglabas ng EO para ipagbawal ang paggamit ng vape

0
18

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na niya kailangang maglabas ng Executive Order para ipagbawal ang pag gamit ng vape o e-cigarettes.

Ayon sa Pangulo, mahigpit nang ipinagbabawal ng batas ang pag gamit ng nicotine kaya naman sakop nito ang pag gamit ng vape lalong lalo nasa mga pampublikong lugar.

Kaugnay nito, binanatan ni Pangulong Duterte ang Integrated Bar of the Philippines sa pahayag ng grupo na maaring kwestiyunin sa korte sakaling arestuhin sila dahil sa pag gamit ng vape.

Ayon sa Pangulo, hindi dapat na pakinggan ang IBP dahil bugok naman ang mga ito.

Una nang ipinag utos ni Pangulong Duterte ang pag aresto sa mga gumagamit ng vape sa mga pampublikong lugar.