DOH maglalagay ng patak polio centers sa piling branches ng isang fast food chain

0
14

Maglalagay ang Department of Health (DOH)  ng mga ‘patak polio centers’ sa ilang piling branches ng isang malaking fast food chain sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang paglalagay ng mga patak polio centers sa ilang branch ng Mcdonald’s ay naglalayong mapalakas ang immunization drive laban sa polio.

Magsisimula ang patak polio centers sa Metro Manila mula November 25 hanggang December 7 habang sa Mindanao naman ay magsisimula sa January 6 hanggang January 18, 2020.

Sa huling tala ng DOH, umabot na sa 7 ang naitalang kaso ng polio sa bansa matapos na ideklarang polio free sa halos dalawang dekada.