Lacson may apela sa BOC

0
90

Umapela si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa Bureau of Customs na mas maging istrikto upang maiwasan na ang pagpasok ng mga basura sa Pilipinas.

Ito ay kaugnay ng tone-toneladang basurang itinambak ng bansang Canada sa Pilipinas, kung saan ngayong araw pa lamang ito inaasahang hakutin ng Canada, matapos ang halos anim na taon na makapasok ito sa bansa.

Kasabay nito, aminado rin naman si Lacson na naging “official dump site” na ng ibang bansa ang Pilipinas.

Una rito, ipinahahakot rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hong Kong at Australia ang mga basurang itinambak nito sa bansa.