Iriga City — Nagdesisyon ang Station Manager ng Radio Mindanao Network(RMN) DWNX -Naga na isapubliko ang pangalan nito matapos itong mag positibo sa Coronavirus Disease.
Layunin umano nito na mas mapadali ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga posibleng nakahalubilo nito.
Ito’y si Bicol#1046 na kinilalang si Alfredo Ubaña Sr., station manager ng nasabing radio station , kasalukuyang symptomatic habang patuloy namang inaalam ang posibleng history of exposure nito.
Samantala 18 new confirmed cases naman sa COVID-19 ang huling naitala sa lungsod sa lungsod ng Naga. (OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)
(Source: DOH Bicol and Naga City Government)