Iriga City — Idenepensa ni City Councilor Sonny Magistrado ang muling pag-utang ng local na pamahalaan upang maipatapos na an ICT building sa halagang umaabot ng 140 milyong pesos sa Development Bank of the Philippines-DBP.
Ayon kay Magistrado, self-liquidating ang nasabing programa at maraming trabaho ang malilikha mula dito.
Kanya pang lininaw na hindi apektado ng utang ang mga pangunahing serbisyo dahil sa ginawang feasibility study ng tanggapan ni Mayor Madel Yorobe Alfelor, sa halip ito’y makakatulong upang mapagaan ang pamumuhay ng mga mamamayan sa panahon ng pandemic.
Una ng inaprobahan ang pagbigay ng authority sa Mayor upang makipag-usap sa DBP para mapadali ang nabanggit na layunin. (OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)
(Source: Interview with Sonny Magistrado)