SSS contribution posibleng madagdagan pa matapos maisabatas ang expanded maternity law

0
48

Posibleng madagdagan ang babayarang kontribusyon para sa SSS o Social Security System, matapos maisabatas ang RA 11210 o ang expanded maternity leave law.

Tinatayang tataas ng mahigit isang bilyong piso ang maternity benefits na ibibigay ng SSS dahil sa nasabing batas.

Sa ilalim ng maternity leave law, mayroong isang daan at limang (105) araw na paid maternity leave ang isang ina, kung saan posible namang pumalo sa P7.5 billion ang gagastusin ng ahensiya.

Kaugnay nito, sinabi naman ni SSS President Atty. Emmanuel Dooc na nakapaloob rin sa nilagdaang RA 11199 o ang SSS Rationalization Act, ang isang porsyentong dagdag singil sa kontribusyon sa mga kasapi ng SSS.

Paliwanag nito, layo nitong mapalawak ang kapangyarihan ng ahensiya kung saan kabilang na sa coverage ang lahat ng land-based at sea-based OFWs o overseas Filipino workers.

“Ito pong ating bagong batas ang Republic Act 11199 ay nagtataglay na ng legislated increase sa contribution. Ito po ay nakpaloob na sa bagong batas, nagtatakda na magdagdag ng one percent contribution magsimula ngayong taon kung saan kailan itong naisabatas. Magtataas ng isang porsyento every other year hanggang makalikom tayo ng kabuuang four percent. Kaya magiging 15 percent na ang contribution sa 2025 na paghahatian ng empleyado at employer.” Pahayag ni Atty. Dooc.