Special lane para sa health workers sa Luzon pinag-aaralan na ng PNP

0
14

Pinag aaralan na ng  Philippine National Police (PNP) ang paglalagay ng special lane para sa mga health workers sa lahat ng checkpoints sa buong Luzon.

Ayon kay PNP Chief General Archie Gamboa, nakikipag ugnayan na sila sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectios Diseases (IATF-EID) para mas mapabilis ang pagbiyahe ng mga health workers na itinuturing na frontliners sa paglaban ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Bukod dito, naglatag narin ang Department of Transportation (DOTr) ng mga ruta ng bus na ipapakalat para libreng sakay sa mga health workers sa luzon.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, nakadeploy na ang 10 bus sa:

  1. PITX – Quezon City General Hospital via Makati/Pasig
  2. PITX – San Lazaro/Chinese General Hospital via Manila/Taft
  3. BFCT – San Lazaro Hospital via East Ave./E. Rodriguez

Samantala, pinaghahandaan narin ng Oversease Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga pick-up points na maghahatid sa mga OFW’s na pupunta sa airport.