DOLE maglalaan ng 5k para sa empleyado ng pribadong kumpanya na apektado ng COVID-19

0
21

Maglalaan ng P5,000 ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga empleyado mula sa pribadong sektor na maaapektuhan ng pagsasara ng kanilang kumpanya dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ilalim ng DOLE  COVID-19 adjustment measures program, susuportahan ng ahensya ang lahat ng manggagawa sa Luzon na matatanggalan ng trabaho kasunod ng umiiral na enhanced community quarantine.

Ayon sa DOLE, kailangan lamang magpasa ng mga employer ng establishment report at company payroll na magpapatunay na apektado ng COVID-19 ang kanilang kumpanya.