Mga bangko sa Pinas, in-extend ang mga bayarin dahil sa COVID-19

0
13

 Naglabas na ng abiso ang mga bangko sa bansa kaugnay sa 30 araw na pagpapalawig sa mga bayarin dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa inilabas na abiso ng BDO, Unibank, BPI, Security Bank at Union Bank, kanila nang pinapayagan ang 30-days extension ng mga pagbayad sa mga credit cards, mortgage at loans.

Ito ay para matulungan ang mga Pilipino sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.