Speaker Arroyo ‘no comment’ sa conviction ni Gng. Marcos sa kasong graft

0
42

‘No comment’ pa rin si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa guilty verdict ng Sandiganbayan sa graft cases ni dating unang ginang at kasalukuyang Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Sa desisyon ng Sandiganbayan 5th Division ay napatunayan na guilty si Marcos sa pitong bilang ng kasong paglabag sa Anti-graft and Practices Act.

Samantala, naniniwala naman si Majority Leader Rolando Andaya Jr. na suportado ng Kamara ang naging desisyon ng Sandiganbayan laban sa dating unang ginang.