Pagkatig ng SC sa pagtanggal ng Filipino at panitikan inalmahan ng KWF

0
58

Inalmahan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ang pagkatig ng Korte Suprema sa pagtatanggal ng Filipino at panitikan bilang core subjects sa kolehiyo.

Ayon kay KWF Commissioner Abdon Balde Jr., napakahalagang mapanatili ang subject  ng Filipino at panitikan dahil nagbabago ang wika kasabay ng paglipas ng panahon kaya’t mamamatay ang mga ito kung ihihinto ang pag-aaral.

Malaki rin umano ang naitutulong sa mga ordinaryong kababayan ng mga salitang hindi madaling maunawaan at naisasalin sa wikang Filipino.

Sumasalamin naman umano ang panitikan sa mas malalim na kaunawaan sa kasaysayan ng bansa kung saan ang ilang mga ginamit na mga termino ay hindi maaring isalin sa ibang wika.