SP Sotto tiwalang magiging maayos ang ugnayan ng senado at kamara

0
55

Tiwala si Senate President Vicente Sotto III na magiging maayos ang ugnayan ng trabaho ng senado at kamara sa ilalim ng bagong liderato ng mababang kapulungan.

Sinabi ni Sotto na malaking bagay na isang dating senador sa katauhan ni ngayo’y Congressman Allan Peter Cayetano na mamuno sa kamara dahil  batid nito ang takbo ng aksyon sa senado.

Si Cayetano ay nagsilbing senador bago ito nagbitiw noong 2017 para pamunuan ang Department of Foreign Affairs.