Pagpili ni Duterte sa magiging House Speaker ng 18th congress unconstitutional

0
39

Tila nakumpromiso ng Pangulong Rodrigo Duterte ang independence ng Kamara bilang isa sa mga sangay ng gobyerno nang piliin si Taguig City Representative Allan Peter Cayetano para maging Speaker sa 18th congress.

Ito, ayon kay Bayan Muna party-list Representative Carlos Isagani Zarate, ay dahil sa politics of convenience ay dahil masasakripisyo rin ang interes ng mayorya ng publiko.

Maging si dating Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te ay nagsabing paglabag sa konstitusyon ang ginawa ng pangulo.

Malinaw aniyang nakasaad sa saligang batas na ang senado ang may tanging kapangyarihan para mag halal ng kanilang pangulo gayundin ang kamara para naman sa kanilang speaker sa pamamagitan ng majority vote sa lahat ng mga miyembro nito.

Sinabi pa ni Te na hindi obligado ang pangulo na pumili dahil hindi na ito sakop ng kaniyang trabaho kundi ng dalawang kapulungan ng kongreso bilang paggalan na rin sa doktrina ng separation of powers.