AFP at PNP patuloy na palalakasin – Duterte

0
51

Patuloy na palalakasin ng gobyerno ang kakayahan ng militar at pulisya.

Binigyang diin ito ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pakiramdam niyang “very dangerous” o lubhang mapanganib ang paparating na panahon.

Sinabi ng pangulo na plano niyang umalis ng Malakanyang sa 2022 na malakas ang AFP at PNP at mayroong sapat na panlaban sa mga kaaway ng estado.

Dahil dito, hiniling ng pangulo ang suporta ng kongreso sa pamamagitan nang pagsusulong ng mga batas na titiyak sa mas malakas na militar at pulisya.