SP Sotto kumpiyansang makakalusot ang panukalang bitay

0
62

Kumpiyansa si Senate President Vicente Sotto III na mas malaki ang pag-asa na makalusot ang mga panukalang bitay kung ipapataw ito sa mga high level drug lamang.

Ayon kay Sotto, mas marami ngayon sa 18th Congress ang pabor sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa dahil sa pagkakapanalo ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag pa nito, tama lamang na igawad ang parusang kamatayan sa mga bigtime drug traffickers dahil kahit anya makulong ang mga ito ay kaya pa rin ng mga itong patakbuhin ang operasyon ng iligal na droga.

Kaugnay nito, sinabi ni Sotto na mas takot anya ang mga sindikato ng droga sa bansa noong umiiral pa ang parusang kamatayan sa Pilipinas.