Tuesday, May 7, 2024

Pagkamatay ng 3 taong gulang na bata sa isang buy bust ops pinaiimbestigahan na

- Advertisement -

Pina-i-imbestigahan na ng PNP o Philippine National Police ang ikinasang buy bust operation ng mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng isang tatlong taong gulang na bata.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, iniintay na lamang nila ang resulta ng crime habang inatasan na rin niya ang regional director na imbestigahan kung sino ang nakabaril sa batang si Myka Ulpina.

Kaugnay nito, sinabi naman ni PNP Spokesman Police Col. Bernard Banac na posibleng nagkabulagaan at mabilis ang naging pangyayari makaraang makahalata ang isa sa mga target na suspek na pulis ang bumibili sa kanila ng illegal drugs.

Samantala, muli namang iginiit ni Banac na nadamay lamang sa crossfire ang bata makaraang gamitin ito ng kanyang ama bilang human shield.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img