SP Sotto kumikilos na para mapalawig ang deadline ng paghahain ng ITR

0
13

Kumilos na si Senate President Tito Sotto III upang mapalawig ang deadline sa paghahain ng annual income tax return (ITR) na nakatakda sa April 15.

Ayon kay Sotto, tinawagan nya si Finance Secretary Carlos Dominguez at nangako naman ito na pag-aaralan ang kanyang panukala.

Nangako rin anya si Dominguez na agad magpapatawag ng meeting upang makabuo ng plano para sa extension ng paghahain ng ITR.

Una nang nanindigan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF) na hindi na palalawigin pa ang deadline sa paghahain ng ITR.