Lotto draw, games ng PCSO suspendido muna

0
18

Suspendido na muna ang lahat ng bola ng lotto, digit games at keno sa harap ng Luzon-wide community quarantine.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), simula ngayong Miyerkules ay wala munang bola ang mga palaro ng PCSO.

Ganunman, nilinaw ng PCSO na ang suspensyon ng small town lotter ay para lamang sa Luzon na apektado ng quarantine.