COVID-19 natuklasang nabubuhay ng ilang oras sa hangin, mga bagay —study

0
21

Natuklasan ng mga siyentipiko na ilang oras ring nabubuhay sa hangin at mga bagay ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ibig sabihin, maaari pa rin itong maka-infect ng sinumang makalalanghap o hahawak sa bagay na nalagyan ng droplets mula sa isang tao na carrier na ng virus.

Batay sa pag-aaral ng National Institute for Allergy and Infectious Diseases, tatlong oras maaaring mamalagi sa hangin ang virus na galing sa droplets ng ubo o hatsing ng isang positibo sa COVID-19.

Samantala, tatlong araw naman ang itinatagal nito sa mga plastic at stainless steel at apat na oras sa copper at 24-oras sa cardboard.