Sotto kumpiyansa na maaamyendahan ang GCTA bago matapos ang taon

0
19

Kumpiyansa si Senate President Vicente Sotto III na maaayemdahan ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) law bago matapos ang taong kasalukuyan.

Ayon kay Sotto, mamadaliin nila sa Senado ang pag-amyenda sa naturang batas upang matiyak na tanging ang mga kuwalipikado lamang at hindi ang mga bilanggong sangkot sa heinous crimes ang makikinabang dito.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ng Senate President na makikipag-ugnayan rin siya kay House Speaker Alan Peter Cayetano upang mapabilis ang pag-amyenda sa GCTA.

Kabilang sa amyendang isinusulong ng Senado ay dapat ang kongreso ang mag-a-apruba ng Implementing Rules and Regulation (IRR) ng naturang batas.

Kaugnay nito, una namang sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na dapat linawin sa naturang batas ang definition ng heinous crimes at good conduct.