Mga magsasaka lalong nabaon sa utang dahil sa rice tarrification law

0
15

Lalo pang nabaon sa utang ang mga magsasaka dahil sa rice tariffication law.

Ito ay matapos sumadsad sa 7 hanggang P8 ang kada kilo ng palay sa ilang lugar sa Nueva Ecija at Tarlac.

Dahil dito ipinanawagan na ng grupo ng magsasaka na suspindihin muna ang rice tariffication law dahil bukod sa wala na silang kinikita ay tuluyan na rin silang nabaon sa utang.

Ayon kay Arze Glipo National Movement For Food Sovereignity may ilang magsasaka na sa Nueva Ecija ang napilitang magbenta ng kanilang palayan dahil sa pagbagsak ng buying price ng palay dahil sa pagbaha ng mga imported na bigas.

Sa kabila nito, hindi naman bilib si Senator Cynthia Villar Chairman ng Senate Committee on agriculture na mayroong P7 na kada kilo ng palay.

Gayunman, nanindigan si Villar na hindi maaring suspendihin ang rice tariffication law dahil kailangan aniyang i-liberalize ang kasunduan sa World Trade Organization (WTO).

Matatandaang, Pebrero ng taong 2019 ng lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rice tariffication law.

Siguro dapat yung mga naapektuhan ng disaster puntahan niyo na, tulungan niyo para hindi sila yung salita ng salita na ang presyo ng palay is 6,7,8. Wala na tayong choice kasi after 22 years we have to liberalize because that is the agreement with WTO,” ani Villar.