SOGIE bill pinase-certify bilang urgent ni Bataan Rep. Geraldine Roman

0
47

Pinase-certify bilang urgent bill ni Bataan Rep. Geraldine Roman kay Pang. Rodrigo Duterte ang Sexual Orientation And Gender Identity And Expression Equality Bill (SOGIE).

Ito ay kaugnay ng kontrobersiyal na insidente kung saan pinagbawalan ng isang janitress na ipagamit sa isang transwoman na si Gretchen Diez ang palikuran na pambabae.

Ayon kay Roman, panahon na para bigyan ng pansin ng pangulo ang pangangailangan ng LGBT community.

Aniya, nararapat lamang na bigyan ng pansin ang pantay na karapatan, upang maprotetakhan ang LGBT community laban sa anumang uri ng diskriminasyon.

Sa ilalim ng SOGIE bill ay mabibigyan ng pantay na protesksyon at karapatan ang lahat anuman ang kaniyang sexual orientation.

Samantala, sinabi naman ni Roman na tiwala siya na bukas si Pangulong Duterte sa naturang panukala, at kumpiyansa ito na makakakuha ito ng suporta mula sa mga mambabatas.